nangulubot ang paang tinahak ang kalsada,
parang nuggets lang na sinubsob sa ketchup;
basa sa lalim, na oil fry ang kalahati.
agahan ang amoy pag ito’y iyong ihain,
ngunit sa liblib ng mga yero,
kubli ang hapag na sinalba
ng lalagyan ng selecta
sa pagkolekta ng tumatagos na tubig ulan.
amoy nila? ang naagnas na aspalto sa daan.
sa t’wing humahataw sa pagkendeng ang poste,
sumasayaw ng tinikling ang karamihan.
walang piring ang tatalo sa maputik na baha;
swerte nalang at ‘di kable ang maapakan,
nang masalba ang agahan sa magdamag na kapihan.
nawa’y magising sa himbing na tulog
ang bayan na binagyo ng pangako,
pinamudmod ng tulong
mula sa bulsa ng tunay na nagtatrabaho.
walang baha ang kumakatok habang pumapasok;
walang magnanakaw ang siyang akalain mo’y nakabarong,
dahil sa tuwing umuugong ang mga pulong,
mas pansin ang balitang “walang pasok”.
sa mga manggagawang uri
na pasananin ang pakiwari:
“ang tanging gampanin ay ang uulamin.”
biktima sila ng mas malalim na sakuna,
dulot ng mga nangungulimbat at mapagsamantala;
na siyang turan ay ramdam umano ang pasanin ng madla.
hangga’t hindi napapanagot,
mangungulubot pa rin ang balat ‘pag tatahak sa kalsada;
ngunit hindi nuggets ang paang masusubsob
sa kanal na napag-iwanang bukas.
sa lalim ay di na namalayang lumagpas
sa tansya na kadalasa'y,
sa agahan nagsisimula ang sakuna.
Written by John Vincent Balustre
Art by Janara Rose Jacosalem

Post a Comment
Any comments and feedbacks? Share us your thoughts!