ni: NIC
Pare 1: ‘tol tingnan mo oh, sexy nung babae.
Ulol 2: Oo nga pre, ang puti oh.
Nerd 1: Bakit nakapasok yan? Akala ko ba bawal ang spaghetti straps dito sa school?
Ulol 2: Luh, andaming satsat nitong isang to oh. KJ ka pa.
Madalas niyo bang naririnig ang mga usapang ganyan? Ako, pang-isa pa lamang. At mula noon, naging partikular na ako sa mga estudyanteng nakakapasok ng school. Wala naman akong pake kung anong suotin nila sa totoo lang, ang akin lang, bakit pumapayag ang guards na papasukin sila? Lalung-lalo na silang mga manang guard, hindi rin naman kasali sa usapan ito sila manong guards kasi wala naman silang pinapapasok na lalaking naka-spaghetti strap o kaya naka-micro miniskirts, eh ibang usapan na rin yon kapag nagkataon.
May dress code naman tayo dito. At di ba, alam naman nila manang guards kung anong dapat sa hindi dapat? Eh anong kaguluhan itong nangyayari ngayong pagpapapasok sa mga krimenal na nakasuot ng mga pinagbabawal na kasuotan? Hanep talaga itong mga security guard natin dito, ang titibay. Akalain mo yun? Tatlong taon na akong nag-aaral dito at tatlong taon na rin simula nang mapansin ko ang pagkunsinti ng mga guard na yan sa mga student na criminal, sabi na ngang bawal ang ganyan, suot pa rin ng suot ang mga estudyante, ito namang mga guard, nagpapapasok pa rin kahit hindi dapat. Ewan ko nalang kung anong sabi ng ibang concerned students diyan sa mga manang o manong na nagbabantay sa gate.
“The use of tight-fitting, halter-top, micro miniskirts or transparent (seductive) attire by female students is prohibited.” Isa lamang iyan sa mga mababasa mong prescribed dress code attire sa http://www.msuiit.edu.ph/students/dress-code.php. Curious ka ba kung bakit may nakakapasok na students na nakasuot ng nakasaad sa mga ipinagbabawal? Ako rin eh. Curious na curious ako. Lalo na nung may nakasabayan akong naka-spaghetti strap na damit nung papasok ako sa school. Aba, ang magaling na manang guard, parang siyang-siya pa siyang may nakitang nakaganoon ang outfit. At ng tumingin ako sa babaeng criminal, maganda pala eh, kaya naman pala. Tingnan nga natin kung makakapasok pa yung iba.
Lumipas ang ilang araw at may nakasabayan na naman akong criminal, ayos to, gutsy siya eh. Nakipagsabayan na ako sa kanya, sabi ko nga. Actually, andito lang ako sa likuran niya oh. Hinay-hinay muna ako para naman marinig ko kung anong sasabihin nila manang guards. At alam niyo ba, alam kong hindi pa. Yung babae, pinapauwi sa kanila para pagbihisin ng damit. At nang tumingin ako sa kanyang mukha, alam ko na, gutsy nga talaga siya. Kaya ayon, babush ang drama ni ateng confident.
Mahilig ka ba sa pedal pants? Isa pa to sa problema ngayon. Kaysa naman masayang yan, itago mo na lang yan nang magamit mo sa lugar niyo. Bawal na kasi yan dito sa IIT. Eh pano naman kung ikaw ay nahilig sa pagsuot diyan kaya wala kang ibang magamit? Oh well, ngayon ang panahong maari ka ng magpakaligaya sa pag-shopping sa Bomenah, madaming pants doon, maging sa kalapit tindahan rin, marami ng mapagpipilian, mura pa, swak na swak ika nga sa budget.
Eh ba’t naging bawal ito ngayon, nakakapasok pa naman sana ako noong mga June at start of July pa, bat biglang nag-iba ang ihip ng hangin? Aba, yan ang hindi ko masasagot ngayon, kung bakit ini-implement nila ang ganyang klaseng ordinances ng hindi man lang nalalaman ng lahat ng students at hindi man lang bino-broadcast nang makapaghanda yong mga nasanay sa paggamit ng pedal pushers. Galing lang nitong mga manang guard eh, haharangin ka na lang bigla at sasabihang hindi ka raw maaring pumasok kasi bawal na daw magsuot ng pedal ngayon. Ansaveh mga teh?! Bakit ngayon pa yan ipinatupad? Wala man lang proper notice na nangyari. Kawawa yong mga nawili. Shopping nalang sa ukay-ukayan, branded na, marami pang pang-K-pop dun na mga style. At sana naman, hindi muna ako makakakita ng mga naka-pedal pants ngayon ah.
Ang guards talaga dito oh! Iba talaga. Kapag maganda, pasok agad yan, kahit crimimal pa yan. Pero kapag alangan naman yong pisikal na aspeto, uwi ka muna ineng. Anong klaseng epidemya ba ito? FACIAL discrimination lang? Hindi naman siguro nararapat itong mga ginagawa nila ano? Ano pang silbi ng “The gate guards are hereby directed to assist in inspecting the attire of students as they enter the campus” (a quotation from the MSU-IIT website for Prescribed Dress Code). Ano pa nga bang silbi nitong mga manang guard natin kung kahit sila may pinapanigang mga nilalang na maaaring papasukin at hindi. Nakaka-amp lang sila eh. Hindi lang nakakapainit dugo, nakakainsulto na din sila.
Pero mga tol at mga teh, positive pa rin tayo dapat. Let’s hope that this degrading situation will be directed properly. At sana lang kapag nabasa nila ang pagtuligsang ito ay gumaling na sila sa kanilang mga sakit. Huwag naman sanang patagalin pa ang problemang ito, ano pang silbi ng ‘Quality Education for a Better Mindanao’ kung kahit sariling security guards natin eh hindi pang-quality made ang ginagawang trabaho. Alam ko, maliit na bagay lamang ito at hindi dapat paabutin sa mga below-the-belt na mga salitaan pero disin sanay mabigyan agad ito ng solution. Ano lamang ba yang problema sa dress code oy. At sana naman talaga, kapag sinabi na ngang bawal, talagang bawal talaga, kahit mapa-Angelina Jolie o mapa-Kampanerang Kuba pa ang drama ng students. Hindi rin naman masisisi ang mga criminal students eh kung bakit ganyan sila manamit, alam na yan eh, pumapayag lang yung guards na magsuot sila ng ganun. Napakalaking SANA lang talaga para sa kaunlaran (echos naman nito). Pero sana lang talaga ay mabago na ang ganitong mga kalakaran.
Post a Comment
Any comments and feedbacks? Share us your thoughts!