Bolos Kano, ipagdiwang ang sariling atin

Ni Dimple G. Cabasis

Taon-taon, tuwing buwan ng Agosto, ang mga Pilipino ay nagdidiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika – ang Filipino. Saan mang sulok ng Pilipinas, hindi maaring hindi ito magunita lalong-lalo na sa mga paaralan kung saan maraming mga iba pang kasiyahan na inululunsad para maging makulay ang selebrasyon ng Buwan ng Wika. Sa taong ito, ang tema ng selebrasyon ay "Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino." Anong lahi ka man; Kristyano, Muslim o Lumad, ikaw ay bahagi ng kulturang Filipino. Bolos kano (tuloy kayo). Hali na at ipagdiwang natin ang sariling atin.

Dahil sa aktibong pag-oorganisa ng Departamento ng Filipino at ibang mga Wika ng College of Arts and Social Sciences, naging makabuluhan ang paggunita ng mga IITian sa Buwan ng Wika. Mula ika-unang araw ng Agosto hanggang sa katapusan ng buwan ay igunita ng mga IITian ang selebrasyon. Ibat-ibang larong Pilipino ang pinagpaligsahan ng mga mag-aaral. Ipinakita din nila ang pagka-Pilipino sa pamamagitan ng pagbibinta ng mga kakanin Pinoy.

Sa isang buwan ng pagdiriwang, ang pinakaimportanteng parti ay ang pag-organisa sa Serye ng Lektyur tungkol sa Pambansang Wika. Sa pamamagitan ng lektyur, naibahagi sa mga mag-aaral ang ibat-ibang bersyon tungkol sa Alamat ng Talon na Maria Cristina na isa sa mga magagandanng tanawin dito sa syudad ng Iligan. Ang ibat-ibang bersyon ay nagpapahiwatig na iba talaga ang kakayahang ng mga isipan kasabay ang madamdaming paglikha ng isang kwentong bayan ng mga Pilipino.

Nagkaroon din ng lektyur tungkol sa kasaysayan ng Wikang Filipino. Tinalakay kung saan nagsimula ang wikang Filipino, Kung kailan naisa-batas ang opisyal na wikang pambansa, at ang mga dagok na tinamasa makamit lamang ng wikang Filipino ang rekognasyon mula sa pamahalaan at sa mga mamamayang Pilipino.

Sa pagtatapos ng buwan ng Agusto, masasabi na ba nating naisa-puso na natin ang tunay na diwa kung bakit ginugunita ang Buwan ng Wika? Bilang isang mamamayang Pilipino, ang lahat ay hinihikayat na bigyan ng pagpapahalaga ang kung anong meron sa ating mga Pilipino na makakatulong sa pag-unlad at pagkakaisa nating lahat. Sa ating mga sarili magsisimula ang lahat. Ikaw ay Pilipino na may wikang Filipino, simulan mo, ipaglaban mo ito.

Post a Comment

Any comments and feedbacks? Share us your thoughts!