Ni Erica Abejuela
Inilatag ni College of Arts and Social Sciences (CASS) Governor Adin Jhon Ligsanan ang mga plano at layunin sa kasalukuyang termino kasabay ng pagyakap ng administrasyon sa transisyon ng new normal sa panahon ng pandemya; una sa mga ito ang paglaan ng plataporma para sa mga mag-aaral na hirap sumabay sa birtwal na klase.
Our main goal now is to provide students with a platform where they can be safe, they can be well informed, and most importantly they can feel hopeful about the future.
Ibinida ni Ligsanan ang mga nais nitong matamo bilang isang lider sa isang eksklusibong panayam ng CASSayuran. Ilan sa mga plano nito ay ang pagsagawa ng live broadcast na General Assembly, magsisilbi rin umano itong oryentasyon para sa lahat. Binanggit rin ni Ligsanan ang Awareness Campaign kung saan isa sa mga magiging tema ang Suicide Prevention Month na maaaring makipag-ugnayan sa departamento ng Sikolohiya ang CASS Executive Council (EC). Aniya, napakahalaga ng paksang ito sa panahon ng krisis at pandemya sapagka’t dumaranas ngayon ang karamihan ng iba’t ibang pagsubok hindi lang sa pinansyal na aspekto kundi maging sa mental na isyu at kalusugan.
Maglilikom naman ng kontribusyon ang mga opisyales ng CASS EC para simulan ang pagbibigay ng libreng load sa mga estudyanteng nangangailangan at tatanggap din sila ng donasyon upang ipagpatuloy ang naturang programa.
Gaya ng ipinangako noong nakaraang administrasyon, pananatilihin umano ng gobernador ang pagtugon sa mga nasasakupan at ang pagiging boses ng CASS Arachnids, ngunit nais din niyang idagdag ang transparency sa kanyang pamumuno.
To say that there are a lot of stereotypes and preconceived judgement of the CASS EC right now… so one way of channeling that is to be as transparent as possibleaniya. Gagawa umano ng paraan ang CASS EC upang mailathala ang mga dokumento kabilang na ang liquidation reports. Maliban dito, susundan din nila ang yapak ng Kataas-taasang Sanggunian ng mga Mag-aaral (KASAMA) sa paglalathala ng mga resolusyon at lehislasyon na nagawa ng legislative body ng CASS EC sa nakaraan at kasalukuyang administrasyon.
Ang Alegasyon
Inamin ni Ligsanan ang kanyang mga pagkukulang sa nakaraang administrasyon at nilinaw ang mga alegasyon nito. Aniya,
to say that we did not do anything wrong last semester is a complete lie.
Matatandaang naging mainit ang bali-balitang humaharap sa suliraning likidasyon ang CASS EC na umano’y nawawala ang malaking halaga ng salapi na pagmamay-ari ng mga mag-aaral ng CASS noong nakaraang taon. Ngunit, idiniin ni Ligsanan na ang mga isyung yaon ay hindi dapat marinig sa pamamagitan ng mga sabi-sabi.
Bagama’t inamin ng Gobernador ang mga pagkukulang ng CASS EC, iginiit niyang hindi ibinulsa ng sinuman sa mga opisyales ang pera. Ayon sa kanya, isa sa mga naging problema ay ang pagbili ng mga kagamitan noong Palakasan na hindi nahingan ng opisyal na resibo. Hindi rin niya kayang i-detalye ang buong pangyayari sapagka’t may mga pangangailangang binili na hindi na dumaan sa kanya upang hingan ng pahintulot.
Why would we steal money from the students, in the first place? How would it benefit us? Why would we put our reputation, our name on the line for temporary pleasure?Dagdag pa ni Ligsanan, kahit ang mga opisyales ng CASS EC ay nagbigay ng kontribusyon mula sa sariling bulsa para sa gastos noong Palakasan 2019.
Gumagawa naman umano ng paraan ang CASS EC upang lutasin ang problema, ilan sa mga ito ay ang pagpasa ng mga dokumento at liquidation report, at maging ang pagbabayad sa mga nawawalang halaga bilang pananagutan. Binanggit din niya na may kasunduan sila ng Dean's Office ngunit hindi niya ito maaaring ibunyag dahil sa pagiging kompidensiyal.
We are learning from the problem and that is the most important core value (of the Institute), that’s handling accountability and being responsible for the actions that we have committed, and we’re trying to fix that issue, pahayag ni Ligsanan.
Pagtanggap sa Ikalawang Termino
Nang tinanong kung nag-aalangan ang Gobernador sa pagpapatuloy ng bagong termino alinsunod sa Resolution No. 30 s. 2020 ng Federation of Mindanao State University Supreme Student Council kung saan ipinatnubay ang pansamantalang pagsuspende sa mga eleksyon at pagpapatuloy sa mga tungkulin ng mga kasalukuyang opisyal, aniya’y sa kabila ng mga suliranin ay nangingibabaw pa rin ang dedikasyon at pasyon sa paglilingkod bilang isang lider.
“When duty calls, you don’t need to be hesitant but you have to say ‘yes’. Because duty is duty regardless of the circumstances that you have been experiencing from the previous semester. Yes, there were hesitations at first but at the end of the day you have to question yourself to what extent you really want to serve the student body.”
“It’s more than just public service, it’s more than just compliance, but it’s dedication to leadership, and that should be the purpose of every student leader.”
Bilin sa mga Mag-aaral
“To all our Freshies pagbantay mo sa inyong seniors pagbalik sa klase.”
Tulad ng mga meme na naglabasan sa sosyal midya na umaayon sa sinasabi nilang welcoming Freshies, pabirong ibinilin ng gobernador sa mga first-year students na mag-ingat sa kanilang mga kuya at ate pagkabalik ng aktwal na klase.
Binigyang diin din niya sa kanyang mga plano ang kapakanan ng mga freshmen at ang pagsalubong sa mga ito ngayong akademikong taon. Ayon sa gobernador,
even if they are short handedly experiencing what it feels like to be a freshman, the College of Arts and Social Sciences is still there virtually.
Hindi man umano kasing espesyal ang unang taon nila sa kolehiyo tulad ng mararanasan sa normal na sitwasyon, nais pa ring bigyang kabuluhan ng CASS governor ang pagpasok ng mga bagong mag-aaral sa Dakilang Pamantasan.
To our Freshies, remember that the college will always be there for you and most importantly the student council is there for you, if you have problems and concerns, CASS EC is willing to answer and to be responsive to you. We are very happy to serve you at these times, and even if we are under so much pressure, constraints from our financial problem and social problem, to a lot of concerning matters, just remember that all of us will get through this together. And even if hard times are pushing us harder it’s just a matter of time our reward comes to us. Sabi pa nila ‘there’s always a rainbow after the rain’, so I hope there is a very bright colorful rainbow for all of us after this pandemic, aniya.
Post a Comment
Any comments and feedbacks? Share us your thoughts!